Sagada isinara muna sa mga turista dahil sa banta ng COVID-19

Isinara muna sa mga turista bayan ng Sagada sa Mountain Province.

Ito ay bilang bahagi ng precautionary measure para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Sagada Mayor James Pooten Jr., suspendido muna ang eco-tourism activities sa Sagada.

Sinabi ni Pooten na nagsagawa ng konsultasyon ang lokal na pamahalaan bago ipatupad ang suspensyon.

Mananatili ang suspensyon sa eco-tourism activities sa Sagada hangga’t hindi naglalabas ng bagong kautusan si Pooten.

Read more...