Mga sub-laboratories para magkumpirma ng COVID-19 nais itayo ng DOH
Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagtatayo ng mga sub-laboratories na siyang magsasagawa ng confirmatory tests para sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Health Asec. Kenneth Ronquillo, nag-iisa lang ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM na may kakayahang magsagawa ng confirmatory test.
Sinabi nito na limang sub-national laboratories sa buong bansa ang nais nilang itatag.
Base sa datos ng DOH, hanggang noong nakalipas na araw ay mayroong nang 382 na PUI sa bansa.
Iba pa ito sa bilang ng persons under monitoring o PUM na nasa 413 na naitala hanggang kahapon.
Paliwanag naman ni Dr. Ferchito Avelino ng DOH Epidemiology Bureau, ang mga PUM ay mga indibidwal na posibleng nagkaroon ng contact matapos lumipad sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID 2019.
Matapos sumailalim ng 14 days quarantine at nagpakita ng sintomas ng COVID-19 ay saka lamang sila ikokonsidera bilang mga PUI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.