Travel ban sa Taiwan susuriing muli ng Pilipinas

Magsasagawa ng reassessment ang Inter- Agency Task Force on Emerging Infectious Disease para pag-aralang muli ang ipinatutupad na travel ban ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea pinagsusumite niya ang Manila Economic Cultural Office o MECO sa Taiwan ng kasalukuyang protocols na ipinatutupad doon.

Partikular na bubusisiin ng inter agency ang ginagawang pagsusuri ng Taiwan sa mga pasahero na dumatating sa kanilang bansa mula mainland China.

Ayon kay Medialdea pinairal ng Pilipinas ang travel ban sa Taiwan para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino.

Nauunawaan aniya ng Pilipinas ang naging sentimyento ng Taiwan kasunod ng implementasyon ng travel ban pero pansamantalang dapat gawin ito. (END/

Read more...