Coast Guard personnel gumamit ng government vehicle sa pag-pick up ng mga babae sa bar sa QC, sibak sa serbisyo
Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Joel Garcia ang pagsibak sa serbisyo kay Seaman Second (SN2) Abulhair Turabin matapos mapatunayang pumick-up ng babae malapit sa isang videoke bar sa Quezon Avenue, Quezon City.
Ang pagsibak kay Turabin ay inirekomenda ng kaniyang mother unit na PCG – Logistics Command.
Matapos matanggap ang reklamo, agad na isinailalim sa Turabin sa preventive suspension habang iniimbestigahan ang kaso.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo napag-alamang ‘guilty’ nga si Turabin matapos nitong gamitin ang sasakyang inisyu sa kanyang immediate supervisor para sa isang personal na gawain sa dis-oras ng gabi.
Malinaw aniya na labag ito sa regulasyong ipinatutupad sa mga miyembro ng uniformed armed service at iba pang lingkod ng gobyerno.
Dahil dito, ipinag-utos ng PCG ang agarang pagtanggal sa serbisyo ni Turabin dahil sa paglabag sa kanyang sinumpaang tungkulin.
Binigyaang-diin ni Admiral Garcia na hindi kailanman babalewalain ng PCG ang kawalang disiplina at paglabag sa utos ng mga miyembro nito.
Hinimok rin niyang magsilbing aral ang dinanas na ito ni Turabin para paalalahanan ang lahat ng miyembro ng PCG na maging maingat sa kanilang mga ginagawa sa lahat ng oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.