44 pang sakay ng Diamond Princess na naka-daong sa Japan nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 11:56 AM

44 pang sakay Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa coornavirus disease (COVID-19).

Ayon sa health ministry office ng Japan, sa nasabing bilang, 29 ay Japanese nationals at 15 ang iba ang lahi.

43 sa mga bagong nagpositibo sa COVID-19 ay pasahero ng cruise ship habang ang 1 ay crew.

Dahil sa panibagong bilang ng mga nagpositibo, umakyat na sa 218 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang barko.

Agad ibababa ng barko ang mga panibagong nagpositibo at dadalhin sa ospital.

 

TAGS: COVID-19, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, Japan, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Yokohama, COVID-19, department of health, diamond princess, Health, Inquirer News, Japan, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Yokohama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.