P1.2M na halaga ng marijuana nakumpisma sa bus terminal sa QC; estudyante arestado

By Jong Manlapaz February 13, 2020 - 10:10 AM

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P1.2 million na halaga ng bloke-blokeng marijuana sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Ikinasa ng mga ahente ng PDEA Region 3, PDEA CAR at PDEA NCR ang operasyon, Huwebes (Feb. 13) ng umaga laban sa estudyanteng si Jose karlo Recafrente, tubong Albay at nakatira sa Metro Manila.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang PDEA-NCR na mayroong isang karton na may laman na pinatuyong dahon ng marijuana at ipinadala ito sa sa ES Bus pabalik ng Metro Manila galing sa Mt Province.

Sa nasabing kahon nakasulat ang pangalan ni Recafrente na siyang tatanggap ng parcel.

Doon na nagpasya ang mga ahente ng PDEA na abangan ang pagdating ng bus sa terminal.

Nang dumating ang bus ay dumating din si Recafrente para kunin ang padalang kahon kaya agad siyang inaresto.

Hawak na ngayon ng PDEA habang inihahanda na ang kaso laban sa kanya.

TAGS: bus terminal, dried marijuana, Inquirer News, Marijuana, News in the Philippines, PDEA, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, war on durgs, bus terminal, dried marijuana, Inquirer News, Marijuana, News in the Philippines, PDEA, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, war on durgs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.