Joint military exercises ng mga sundalo ng US at Pilipinas tuloy pa ayon sa DND

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 10:03 AM

Para sa Department of National Defense (DND) tuloy pa rin dapat ang mga nakaplanong military exercises ng mga sundalong Amerikano at sundalo ng Pilipinas bago maging epektibo ang pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon ka Defense Sec. Delfin Lorenzana, matapos pormal na maihain ang notice of termination, magiging epektibo ang pag-terminate sa VFA makalipas ang 180 araw.

Dahil dito ayon kay Lorenzana ang mga nakaplanong joint US-PH military exercises sa loob ng susunod na 180 araw ay matutuloy pa.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na maaring ang American counterparts na mismo ang magpasya na huwag nang ituloy ang exercises.

Sa sandaling maging pinal at epektibo ang termination ng VFA sinabi ni Lorenzana na ihihinto na ng DND ang lahat ng nakatakdang military exercises kasama ang US.

TAGS: DND, Inquirer News, joint military exercises, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, VFA, DND, Inquirer News, joint military exercises, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, VFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.