Senate inquiry sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN inihirit ni Sen. Grace Poe

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 09:44 AM

Hiniling ni Senator Grace Poe sa senado na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa inihaing Senate Resolution 322 ni Poe, hiniling nito na magkasa ng pagdinig ang senado para matignan ang operasyon ng ABS-CBN Corporation at upang matukoy din ang pagtugon nito sa terms and conditions ng kanilang prangkisa sa ilalim ng Republic Act No. 7966.

Ayon kay Poe, naninindigan ang network na wala itong nilalabag na batas at ang lahat ng kanilang hakbang ay nakatutugon sa probisyon ng kanilang prangkisa.

Inihain ng senador ang resolusyon matapos magsampa ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General sa Korte Suprema.

TAGS: ABS-CBN franchise, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, senate inquiry, Senate Resolution 322, Senator Grace Poe, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN franchise, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, senate inquiry, Senate Resolution 322, Senator Grace Poe, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.