Sarado ang tanggapan ng US Embassy sa Maynila sa Lunes, February 17.
Sa abiso ng embahada, wala munang transaksyon sa embahada sa Roxas Boulevard at affiliated offices nito sa naturang petsa.
Ito ay dahil gugunitain sa Lunes ang Presidents’ Day na isang American holiday.
Pinayuhan ang publiko na may nakatakdang transaksyon sa US Embassy na huwag na lamang muna magtungo doon sa Lunes.
Sa Martes, February 18 ay muling magre-resume ang normal na operasyon sa embahada.
MOST READ
LATEST STORIES