71 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

Nakapagtala ng 71 mahihinang volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag sa Bulkang Taal.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng Bulkang Taal na umabot sa 50 hanggang 100 meters ang taas.

Nasukat naman ang sulfur dioxide na ibinuga ng Bulkang Taal sa 59 tonnes per day ang average.

Ayon sa Phivolcs, nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Taal Volcano na nangangahulugan na maaring magkarooon pa rin ng mahinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

Inirerekomenda pa rin ng Phivolcs ang pagbabawal na mapasok ang Taal Volcano Island at ang nasa loob ng 7 km radius mula sa main crater ng bulkan.

Read more...