Task Force magsasagawa ng risk assessment para tukuyin kung itutuloy ba o aalisin na ang travel ban sa Taiwan

Pag-aaralan ng inter-agency task force for the management of emerging infectious disease kung nararapat pang ituloy ang travel ban sa Taiwan dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, magsasagawa ng risk assessment ngayong araw ang task force.

Matapos ang risk assessment ay maglalabas ng rekomendasyon ang task force kung itutuloy ba o aalisin na ang travel ban sa Taiwan.

Ani Duque, mas mabagal kasi at mas mababa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Taiwan kumpara sa mainland China at Hong Kong.

Una rito ay pinalagan ng Taiwan ang pinairal na travel ban ng Pilipinas.

Nagpatawag pa ng special cabinet meeting si Taiwanese President Tsai Ing-wen para talakayin ang travel ban.

 

Read more...