outbrain

World Mobile Congress na gaganapin dapat sa Spain kinansela na

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 07:58 AM SHARE(S):

Kanselado na rin ang World Mobile Congress na dapat ay gaganapin sa sa Barcelona, Spain.

Ang naturang mobile fair ang isa sa pinakamalaking world events ngayong taon.

Gaganapin dapat ang event sa February 24 hanggang 27.

Sa pahayag ng mobile trade association na nag-organisa ng event, ang pagkansela ay dahil sa banta ng COVID-19.

Ang taunang World Mobile Congress ay dinadaluhan ng aabot sa 10,000 katao kabilang dito ang nasa 5,000 participants mula China.

TAGS: Barcelona, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Spain, Tagalog breaking news, tagalog news website, World Mobile Congress, Barcelona, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Spain, Tagalog breaking news, tagalog news website, World Mobile Congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.