Cruise ship na tinanggihan sa ilang bansa dahil sa banta ng COVID-19 pinayagang makadaong sa Cambodia
Nakadaong na rin sa wakas at napayagang makababa ang mga pashaero ng MS Westerdam na una nang tinanggihan sa naunang mga bansang pinuntahan nito dahil sa banta ng COVID-19.
Nakadaong na at nakababa ang mga pasahero ng cruise ship sa Cambodia.
Kinumpirma ni US Ambassador to Cambodia W. Patrick Murphy na nabigyang otorisasyon para makadaong sa nasabing bansa ang barko.
Ang naturang barko ay una nang tinanggihan na makadaong sa Subic, sa Taiwan at sa Japan.
Ito ay sa kabila ng pagtitiyak ng operator ng barko na Holland America Line na ligtas sa sakit ang mahigit 2,200 na pasahero at crew ng barko.
Sa pahayag ng Holland America Line sa Cambodia na magtatapos ang cruise.
Pagkababa ng mga pasahero, isasakay sila sa isang chartered flight sa Phnom Penh pauwi sa kani-kanilang mga lugar.
Tiniyak ng kumpanya na sila ang magbabayad ng flight tickets ng mga pasahero.
Ibabalik din ang 100 percent ang ibinayad ng mga pasahero sa nagkaaberyang cruise nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.