Trump sa termination ng VFA: I really don’t mind

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2020 - 06:16 AM

Balewala kay US President Donald Trump kahit pinutol na ng Pilipinas ang military agreement sa Amerika.

Sa kabila ng pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement, sinabi ni Trump na nananatili na maganda ang relasyon nila ng pangulo.

Nagpasalamat pa si Trump sa kanselasyon ng VFA dahil mas makakatipid aniya ang Amerika.

Taliwas naman ito sa naging reaksyon ni US Defense Secretary Mark Esper na nagsabing “unfortunate” ang naging pasya ng gobyerno ng Pilipinas.

para naman kay US State Assistant Secretary Clarke Cooper, malalagay sa alanganin ang mga aktibidad gaya ng joint military exercises at bilateral engagements ng Pilipinas at Amerika kung wala ang VFA.

TAGS: donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Tagalog breaking news, tagalog news website, VFA, donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Tagalog breaking news, tagalog news website, VFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.