2 arestado sa buy-bust operation sa Caloocan

By Mary Rose Cabrales February 13, 2020 - 06:02 AM

Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District (NPD) sa Barangay 135,
Bagong Baryo, Caloocan City, alas-9:30 ng gabi ng Miyerkules (February 12).

Ang dalawang naaresto ay ang target ng isinagawang operasyon at ang isa sa mga suspek ay nakulong na dati dahil na
rin sa pagbebenta ng droga.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr. ng drug enforcement ng NPD, nakipagtransaskyon ang mga otoridad sa mga suspek ng gabi ng Miyerkules gamit ang P8,000 boodle money at nang magpositibo ay agad inaresto ang dalawang.

Nakumpiska sa mga suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: caloocan, drugs, Inquirer News, metro, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, caloocan, drugs, Inquirer News, metro, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.