Sa inilabas na pahayag, ipinaliwanag ng airline company na ito ay dahil sa karagdagang screening requirement na kailangang gawin ng mga pasahero bunsod ng banta sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Sinabi ng PAL na kinakailangang makakuha ng bawat pasahero ng arrival cards at sumailalim sa screening procedure bago pumunta sa immigration counters.
Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang Immigration eGates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga may hawak ng Philippine passport.
Payo ng PAL sa mga pasahero, dumating sa mga paliparan apat na oras bago ang international flight habang tatlong oras naman para sa domestic flights.