PAL, nag-abiso sa mga pasahero na maagang pumunta sa paliparan bago ang flight

By Angellic Jordan February 12, 2020 - 10:01 PM

Inabisuhan ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang mga pasahero na maagang pumunta sa mga paliparan bago ang kanilang biyahe.

Sa inilabas na pahayag, ipinaliwanag ng airline company na ito ay dahil sa karagdagang screening requirement na kailangang gawin ng mga pasahero bunsod ng banta sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sinabi ng PAL na kinakailangang makakuha ng bawat pasahero ng arrival cards at sumailalim sa screening procedure bago pumunta sa immigration counters.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang Immigration eGates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga may hawak ng Philippine passport.

Payo ng PAL sa mga pasahero, dumating sa mga paliparan apat na oras bago ang international flight habang tatlong oras naman para sa domestic flights.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, philippine airlines, screening procedure, coronavirus disease, COVID-19, philippine airlines, screening procedure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.