Ilang kalsada, pansamantalang isasara para sa konstruksyon ng Skyway Extension project
Pansamantalang isasara ang ilang kalsada para bigyang-daan ang konstruksyon ng Skyway Extension project.
Sa press conference, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng tumagal ng tatlong buwan ang pagsasara ng mga kalsada depende kung gaano kabilis matatapos ang konstruksyon.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, magsisimula and road closure sa araw ng Linggo, February 16.
Narito ang mga apektadong kalsada:
– Lane 3 Southbound, at-grade mula Sucat hanggang Alabang
– Hillsborough Off-ramp
– South Station Exit
Isasara ang mga nasabing kalsada simula 6:00 ng umaga sa February 16.
Samantala, sa kaparehong petsa, bubuksan naman ang Alabang-Zapote Northbound ramp mula Lunes hanggang Biyernes bandang 5:00 ng madaling-araw hanggang 9:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.