Pressure mula kay Pangulong Duterte at ABS-CBN, ramdam ng Kamara
Aminado si House Committee on Legislative Franchises Vice Chairman at Isabela Rep. Antonio Albano na nakakaramdam sila ng pressure mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at ng ABS-CBN hinggil sa usapin pa rin ng franchise renewal.
Ayon kay Albano, malaking pressure sa kanila ang mga mismong pahayag ng pangulo na ayaw na ma-renew ang prangkisa ng media network.
Gayunmam, iginiit nito na wala namang direktang pressure na sinasabi sa kanila si Pangulong Duterte.
Sinabi nito nape-pressure din sila sa lumalabas na balita partikular sa ABS-CBN na mistulang nakakasama na rin sa imahe ng buong Kongreso.
Hiniling naman nito sa Ehekutibo at broadcast giant na gawin ang kanilang tungkulin.
Tiniyak naman ng mambabatas na ginagawa ng Kamara ang lahat ng kanilang trabaho kaugnay sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN na nakatakda namang mapaso sa March 30, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.