WHO iginiit na wala pang malinaw na pinagmulan ang COVID-19

By Ricky Brozas February 12, 2020 - 06:30 PM

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na wala pang malinaw na pag-aaral o ebidensya na magsasabi kung saan nga ba talaga nanggaling ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang iginiit ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abesayinghe kasunod ng iba’t ibang ispekulasyon sa pinagmulan ng COVID 19.

Isa rito ay ang paniki na sinasabing pinagmulan umano ng virus.

Maging sa social media ay may kumalat pang mga larawan na mga mukhang Chinese na kumakain ng bat soup o sinabawang paniki.

Matatandaan na ang Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o kilala sa tawag na MERS-CoV ay isang uri ng zoonotic virus.

Ibig sabihin, mula sa hayop ay nailipat ito sa tao.

Giit ni Abesayinghe, mananatiling theory lamang ang mga ito hanggat hindi napapatunayan ang katotohanan.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, Dr. Rabindra Abesayinghe, WHO, coronavirus disease, COVID-19, Dr. Rabindra Abesayinghe, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.