Pangulong Duterte, may kapangyarihang lumusaw ng kasunduan – Sen. Tolentino

By Jan Escosio February 12, 2020 - 03:38 PM

Paniwala ni Senator Francis Tolentino na ang pagtalikod ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PH-US Visiting Forces Agreement (VFA) ay ayon sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Tolentino sa kanyang pag-‘abstain’ sa resolusyon para sa pagrebyu ng Senado sa VFA, sinabi nito na malaya sa isa’t isa ang tatlong sangay ng gobyerno.

Aniya, hindi mako-kontrol o maiimpluwensiyahan ng tatlong sangay ang isat isa.

Sinabi pa ni Tolentino na sa usapin ukol sa VFA, ang tunay na isyu ay ang pananatili ng balanse ng kapangyarihan ng tatlong sangay ng gobyerno.

Samantala, dahil ang Punong Ehekutibo ang pangunahing arkitekto ng mga relasyong-panglabas ng bansa, ito ang nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa bansa.

Aniya, hawak din ng pangulo ng bansa ang lahat ng impormasyon kayat masasabi na ang anumang posisyon nito sa lahat ng isyu ay mas makakabuti para sa lahat.

Paliwanag din nito bilang abogado, nakasaad sa 1987 Constitution na kailangan ang pag-apruba ng Senado sa mga kasunduan upang ito ay ganap na magkabisa.

Ngunit aniya, walang nakasaad sa Saligang Batas na kailangan pa ng pagsang-ayon ng Senado sa pagtalikod sa anuman pakikipagkasundo ng Pilipinas sa ibang bansa.

TAGS: Francis Tolentino, vfa termination, Francis Tolentino, vfa termination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.