Mga oil companies magpapatupad ng dagdag-presyo sa kanilang produkto

By Den Macaranas February 01, 2016 - 05:07 PM

gas
Inquirer file photo

Nag-anunsyo na ang ilang oil companies sa bansa na epektibo alas-sais ng umaga bukas, February 2 ay magtataas sila sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Sa kanilang pahayag, kapwa sinabi ng Pilipinas Shell at Chevron (Caltex) na P0.45/liter ang dagdag sa kanilang ibinebentang gasolina, P1.20/liter sa kerosene o gaas samantalang P1.05/liter naman sa diesel.

Ang Phoenix petroleum ay nagsabi na rin na magtataas sila ng presyo sa kanilang mga produkto simula bukas ng umaga kung saan P0.45/liter sa gasolina at P1.05/liter sa diesel samantalang wala namang pag-galaw sa presyo ng kanilang gaas o kerosene.

Mamaya ay inaasahang mag-aanunsyo na rin ng dagdag na presyo ang iba pang oil companies.

Samantala, inamin naman ng Russia na nagpulong na ang mga mga member-countries ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) dahil sa pangambang lalo pang sumadsad ang presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Sinabi sa ulat na kanilang ikinukunsidera ang panukala ng Saudi Arabia na bawasan ng 5-percent ang kanilang daily production para mapanatili nilang kontrolado ang presyo ng petrolyo at hindi bumagsak ang halaga nito sa pandaigdigang pamilihan.

Ang 5-percent reduction sa daily output ng OPEC ay nangangahulugan ng 500,000 barrels per day na kabawasan sa overall-production ng langis sa buong mundo.

 

TAGS: OPEC, Price increase. Oil products, OPEC, Price increase. Oil products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.