Konstruksyon ng Pinabacdao Port, 100 porsyento nang tapos

Kumpleto na ang konstruksyon ng Pinabacdao Port, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, tapos na ang port development project ng pantalan.

Ilan sa mga isinagawa sa pantalan ang pagpapalawak ng causeway, pagtatayo ng back-up area at seawall at terminal shed.

Kilala bilang tahanan ng Mayaw-Mayaw Festival, ang munisipalidad ng Pinabacdao sa Samar ay mayroon na ngayong
mas pinalawak at pinagandang port!

Sinabi ng DOTr na ito ay magiging docking area para sa mga darating at ibibiyaheng produktong pandagat sa probinsya.

Maliban dito, maaari na ring makapunta sa pantalan ang iba’t ibang bangka sa lungsod at iba pang karating-barangay.

Read more...