Sa Facebook, sinabi ng Manila Public Information Office (PIO) na pumasok sa kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Maynila, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office, kasama ang Burger King.
Makikita sa larawan ang pagpirma sa kasunduan ni Mayor Isko Moreno at ilang opisyal ng Burger King.
Ayon sa alkalde, layon nitong makapagbigay ng pantay na oportunidad.
Nagparating din ng pasasalamat si Moreno sa nasabing food company para sa pagsuporta sa adhikain ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES