Pagpapalakas ng domestic tourism, plano ng DOT na pangontra sa negatibong epekto COVID-19
Ang pagpapalakas ng domestic tourism ang ginagawa ng Department of Tourism (DOT) para maibsan ang epekto ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa pagdinig ng House Committee on Tourism at Economic Affairs, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na inilatag na sa pulong ng Tourism department kasama ang iba pang ahensya, Philippine aviation, mga hotel owners at si Pangulong Rodrigo Duterte noong February 10 ang mga kinakailangang gawin para mabawasan ang negatibong epekto ng COVID-19 sa turismo ng bansa.
Kabilang anya sa mga nais nilang gawin ang pagpapalakas ng domestic tourism.
Dito napag-usapan ang pagbibigay ng discount sa airlines, sea transports, at hotel, pagbibigay ng summer packages, at pagpapaigting sa promotion ng domestic tourist destinations.
Tinitiyak din ng DOT na ligtas bumiyahe sa bansa dahil sa mga ipinapatupad na safeguards sa mga paliparan at pantalan.
Bukod dito, nais anya nilang hingin ang tulong ng mga foreign journalist at mga influencial blogger para ma-promote ang turismo ng bansa sa ibang dayuhan.
Ito ay bunsod ng inaasahang pagbagsak ng tourist arrivals mula sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan dahil sa nakakahawang sakit.
Samantala, hindi naman masabi ng Department of Health (DOH) kung hanggang kailangan tatagal ang COVID-19 pero kung ang SARS AT MERS-COV anya ang pagbabatayan ay tumagal ng anim na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.