2 Pinoy na kabilang sa inilikas mula Wuhan City, China nagnegatibo sa COVID-19 – DOH
Nagnegatibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 ang dalawang Filipino na kabilang sa 32 Filipinong inilikas mula Wuhan City, China ayon sa Department of Health (DOH).
Sa press conference, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang isang taong gulang na lalaki at 34-anyos na babae bunsod ng diarrhea ngunit wala namang lagnat at ubo.
Agad aniyang dinala ang dalawa sa ospital ngunit ibabalik din sa quarantine zone sa New Clark City, Tarlac.
Ani Domingo, muling susuriin ang dalawa matapos makumpleto ang 14 araw na quarantine period.
Nilinaw din nito na hindi palalawigin ang quarantine period sa 24 araw.
Aniya, maging ang World Health Organization (WHO) ay hindi pabor na palawigin ang quarantine period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.