Turismo malulugi ng mahigit P40B hanggang Abril 2020 dahil sa COVID-19

Aabot sa P42.9 billion ang mawawala sa turismo ng bansa kapag natuloy-tuloy pa ang kinatatakutang Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa joint hearing ng House Committees on Tourism at Economic Affairs, sinabi ni Tourism Secretay Berna Romulo-Puyat na ang nasabing halaga ay pagtaya nila hanggang sa buwan ng Abril.

Kung hindi anya kasama ang Taiwan at ang ban ay iiral lamang sa China, Macau at Hongkong nasa P38B ang malulugi sa turismo.

Sinabi pa ng kalihim na hanggang ngayong buwan ng Pebrero pa lamang ay aabot sa P16.8B ang nawawala sa turismo.

Sa record anya ng Civil Aeronotics Board, 465 na flights ang kanselada kada linggo o kabuaang 101,042 seats mula noong Enero hanggang February 7.

Mayroon din namam anyang 11 cruise sa iba’t ibang ports na rin kinansela.

Gayuman, sinabi ni Romulo-Puyat na gumagawa sila ng paraan upang maibsan ang epekto sa turismo ng COVID 2019.

Mayroon na anya silang plano sa DOT kasama si Pangulong Rodrigo Duterte upang i-promote ang domestic tourism.

Read more...