EDCA, MDT hindi na rerebyuhin ng Malakanyang
Wala nang balak ang Malakanyang na magsagawa ng sariling pag-aaral sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Defense Treaty (MDT) na nilagdaan ng Pilipinas at Amerika.
Pahayag ito ng palasyo matapos magpadala ang Pilipinas ng pormal na notice of termination sa Amerika para ipawalang bisa ang Visiting Forces Agreement.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ikinakasa na kasi ng senado ang pagsasagawa ng review sa EDCA at MDT.
Ayon kay Panelo, hihintayin at panonoorin na lamang mg Malakanyang ang senado.
Anumang rekomendasyon aniya ng senado sa EDCA at MDT ay tiyak na pakikinggan at ikukunsidera ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Panelo, ngayong mawawala na ang VFA, nag-aalok naman ang United Kingdom ng military agreement sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.