Lalaki nahulihan ng hindi lisensyadong baril sa Mandaue City

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2020 - 11:05 AM

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng hindi lisensyadong armas sa Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang suspek na si Carmelo Victor Alegarme, 39 anyos na nagtatrabaho bilang security guard sa Sikatuna Security Agency.

Ayon sa Basak Police Station, isang residente ang tumawag sa kanila hinggil sa presensya ng ilang armadong lalaki sa isang private reclamation lot.

Nang dumating ang mga pulis, nadatnan si Alegarme bitbit ang 9mm na baril.

Walang naipakitang lisensya o permit to carry ang suspek.

Maliban sa baril, nakuhanan din siya ng limang bala at isa pang extra magazine na mayroon ding limang bala.

TAGS: firearm, Inquirer News, Mandaue City, News Website in Philippines, Permit to Carry, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, suspek, Tagalog breaking news, tagalog news website, firearm, Inquirer News, Mandaue City, News Website in Philippines, Permit to Carry, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, suspek, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.