Pag-terminate sa VFA maling hakbang ayon kay US Secretary of Defense Esper

AFP photo
Maling hakbang umano ang pag-terminate ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Reaksyon ito ni US Secretary of Defense Mark Esper.

Ayon kay Esper, katuwang ng Pilipinas ang Amerika sa pagpapalakas ng alyansa sa South China Sea, gayundin sa pagsasabi sa China na sundin ang international laws tungkol sa mga territorial issue.

Tinawag ni Esper na ‘unfortunate’ ang hakbang ng pamahalaan.

Kinumpirma naman ni Esper na natanggap na ng US government ang notification mula sa Department of Foreign Affairs sa pag-terminate ng VFA.

Aaralin muna aniya ng Amerika ang policy angles at military angles bago ihayag ang hakbang.
Excerpt:

Read more...