Asian-American na si Andrew Yang inanunsyo ang pag-atras sa US Presidential race

Photo by John Bazemore/AP/Shutterstock 

Inanunsyo ng negosyanteng si Andrew Yang ang pag-atras na sa US Presidential race.

Si Yang na pambato ng Democratic party ang kauna-unahan sanang magiging Asian-American president kung papalaring manalo.

Pero matapos ang mababang puntos na nakuha mula sa New Hampshire ay nagpasya si Yang na umatras na sa laban .

Aminado mismo si Yang na base sa mga numero, malinaw na hindi siya mananalo.

Sa kasagsagan ng kampanya kabilang sa pangako ni Yang na bigyan ng $1,000 kada buwan ang bawat nakatatandang residente sa Amerika.

Read more...