Brand ng lollipop ginamitan ng condom foil bilang wrapper; FDA binalaan ang publiko

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2020 - 08:45 AM

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili ng isang brand ng lollipop dahil ginamitan umano ito ng condom foil para sa wrapper ng lollipop.

Ayon sa inilabas na babala ng FDA, ang DIPZY CORNPOP Lollipops na gawa ng kumpanyang MM LUCKY MULTISALES CORPORATION ay hindi otorisadong ginamit ang Durex condom foil bilang lollipop wrapper.

Sa babala ng FDA pinaiiwas ang publiko na bumili ng Dipzy Cornpop Lollipop na blue at red.

Ayon sa FDA, maaring may banta sa kalusugan ng publiko ang naturang lollipop lalo pa at natuklasan din na hindi ito rehistrado sa FDA.

Binalaan din ang mga establisyemento na maari silang mapanagot kapag nagbenta ng produkto.

Iniimbestigahan na ngayon ng FDA ang isyu at inatasan na ang Regional Field Offices at ang Regulatory Enforcement Units na kumpiskahin ang lahat ng Dipzy Cornpop Lollipop sa merkado.

TAGS: condom wrapper, FDA, Health, Inquirer News, lollipop, News Website in Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, condom wrapper, FDA, Health, Inquirer News, lollipop, News Website in Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.