39 pang sakay ng Diamond Princess nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2020 - 08:27 AM

39 pang sakay ng cruise ship na Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa coronavirus disease.

Ayon kay Japanese Health Minister Katsunobu Kato, dahil dito umakyat na sa 174 ang bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa naturang barko.

Sa 53 na lumabas na bagong resulta ng mga pagsusuri, 39 ang nagpositibo.

Ayon pa kay Kato, mayroon na ring isang quarantine official na kabilang sa sumuri sa mga sakay ng barko ang nagpositibo.

Hindi pa naman inilalabas pa kung ano ang nationalities ng mga bagong nagpositibo sa sakit.

Mayroong mahigit 500 Pinoy sa Diamond Princess na karamihan ay crew.

Noong February 10 ay umabot na sa 8 Pinoy ang napabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19.

TAGS: China, coronavirus disease, COVID-19, cruise ship, diamond princess, Inquirer News, Japan, ncov, News Website in Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO, Wuhan City, Yokohama, China, coronavirus disease, COVID-19, cruise ship, diamond princess, Inquirer News, Japan, ncov, News Website in Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO, Wuhan City, Yokohama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.