NAIA personnel na nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng mga exotic animals kinasuhan na

By Jan Escosio February 01, 2016 - 03:12 PM

Tuko
Inquirer file photo

Hindi na muna magdu-duty ang airport screening officer na sinasabing nagtangkang magpuslit ng apatnapu’t pitong iba’t ibang uri ng exotic animanl sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito’y kasunod nang pagsasampa sa Depertment of Justice (DOJ) ng kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act laban tauhan ng NAIA na si Gerald Bravo.

Inaresto si Bravo noong nakaraang Huwebes matapos madiskubre na ang limang styrofoam boxes na tinangka niyang ipuslit ay naglalaman ng 11 tarsiers, 11 ahas, 11 monitor lizards, 8 sailfin lizards at mga kuwago.

Nabatid na siya ang ang nag-proseso ng dokumento para sa nasabing mga Styrofoam boxes na idineklarang naglalaman lang ng aquatic plants at ipapadala sa isang nagngangalang Shoji Masuyama sa bansang Japan.

Kapag napatunayan ang pagkakasala, maaring mahatulan ng hanggang apat na taon na pagkakabilanggo si Bravo.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung sino ang mga nasa likod ng mga naunang naiulat na pagpapauslit ng mga exotic species palabas ng Pilipinas na dumaan sa NAIA.

 

TAGS: Exotic animals, MIAA, NAIA, Exotic animals, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.