3 kabilang ang isang babae na nasa drugs watchlist arestado dahil sa droga sa Malabon

By Mary Rose Cabrales February 12, 2020 - 06:34 AM

Timbog ang tatlo katao matapos tyempuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng mahigit P10,000 halaga ng ilegal na droga
sa Barangay Longos, Malabon.

Ang mga naaresto ay kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na pawang mga residente ng Barangay Longos.

Ayon sa Malabon Police, nagsasagawa sila ng anti-criminality operation matapos makatanggap ng impormasyon hinggil
ssa ilegal na gawain ng tatlong suspek na agad nilang nirespondehan kung kaya’t naaresto ang tatlo.

Ayon pa sa mga otoridad, kabilang sa drugs watchlist ang babaeng suspek samantalang bagong tukoy na drug
personality ang dalawang lalaki.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga
naarestong suspek.

TAGS: 3 arrested, buy bust, Inquirer News, Malabon, News Website in Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 3 arrested, buy bust, Inquirer News, Malabon, News Website in Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.