10 babae na ibinubugaw sa Maynila at Caloocan nasagip ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2020 - 06:25 AM

Nasagip ang sampung babae sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Caloocan at Maynila.

Pawang mga tauhan ng PNP Women & Children Protection Center – Luzon Field Unit) ang nagkasa ng operasyon.

Ilang araw na sinubaybayan ang operasyon sa pambubugaw sa mga babaae bago ikinasa ang raid.

Mayroong police undercover ang nagpanggap na kliyente at nang napatunayang ibinubugaw nga ang mga babae ay ikinasa na ang operasyon.

Pinakabata sa mga nasagip ay 13 anyos lamang.

Ayon sa mga nasagip na babae, isang suspek ang nagyaya sa kanilang lalabas lang para kumain at bibigyan sila ng pera.

Hindi umano nila alam na pagtatrabahuhin sila sa prostitution den.

Nadakip naman ang 19 anyos na babae na siya umanong bugaw sa Maynila at ang 17 anyos na lalaki na bugaw naman sa Caloocan.

TAGS: caloocan, Inquirer News, manila, News Website in Philippines, PH news, Philippine breaking news, prostitution den, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, caloocan, Inquirer News, manila, News Website in Philippines, PH news, Philippine breaking news, prostitution den, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.