P1.2M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang lalaki sa Taguig

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Taguig City.

Ayon kay Pol. Corporal Aaron Dicang ng Taguig Cigty Police, nagkasa ng checkpoint ang mga otoridad sa C6 Road sa Barangay Hagonoy.

Pinara nila ang motorsiklong minamaneho ng suspek na nakilala lamang sa alyas na Darwin para tignan ang mga dokumento ng sasakyan.

Doon na nakuha ang 6 na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

May nakuha ring timbangan, at itim na pouch mula sa suspek na residente ng Pasig City.

Tinatayang aabot sa P1.2 million ang nakuhang shabu sa suspek.

 

Read more...