P1.3-M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

Nasamsam ang mahigit P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Ermita bandang 7:10 ng gabi.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa dalawang suspek na sina Gerry Mullanida, 50-anyos, at Cindy Marie Eniciula, 28-anyos, kapwa residente ng Barangay Pasil sa Cebu City.

Nakuha sa mga suspek ang apat na pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.

Nakuha rin sa mga suspek ang ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...