WATCH: Operasyon ng ABS-CBN, tuloy kahit wala pang franchise renewal

Maitutuloy pa rin ang operasyon ng ABS-CBN hanggang sa taong 2022 kahit na hindi pa maaprubahan ng Kongreso ang franchise renewal nito.

Paliwanag ni Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano, hanggang hindi pa natatapos ang 18th Congress ay maari pang ituloy ng TV network ang kanilang mga programa.

Naihain naman na aniya ang Lopez-led corporation ng aplikasyon para sa pagpapalawig ng prangkisa sa Kongreso.

May report si Erwin Aguilon:

Read more...