Miss Universe Pia Wurtzbach, naiyak sa kaniyang pag-alis sa bansa

Pia8
Inquire file photo

“I’ll be back!”

Ito ang pangakong iniwan ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa kanyang pag-alis matapos ang kaniyang homecoming sa Pilipinas.

Si Pia ay umalis kahapon para ipagpatuloy ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Pia na magbabalik siya. “I’ll be back soon, mga kababayan. Naiiyak ako that I have to leave so soon. Sobrang saya ko dito sa Pilipinas.”

Hindi naman masabi ng reigning Miss Universe kung kailan siya babalik ng bansa dahil kailangan muna niyang gampanan ang tungkulin na naka-atang sa kanya.

“… this is a responsibility and I have duties now. I will continue making all of you proud!” Saad pa rin ng kanyang IG post.

Higit sa korona, may mga responsibilidad si Pia kaya isang taon itong mananatili sa Miss Universe na nakabase sa New York City.

Mula nang dumating sa bansa noong January 23, kabi-kabila ang engagement ng Miss Universe at huling dinaluhan niya ay ang kasal ng bestfriend niyang si Pauleen Luna kay Vic Sotto noong Sabado sa Alabang Muntinlupa City.

Sa official IG accout ng Miss Universe, nagpasalamat si Pia sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga Pilipino. “There is nothing better in the Universe than seeing and hearing your support, Philippines. Thank you to each and every one of you and I will continue to make you proud,” dagdag pa ni Pia.

Samantala, magiging special correspondent si Pia ng TV News program na Inside Edition sa Super Bowl 50 na gagawin sa Levi’s Stadium sa San Francisco Bay area sa February 7, 2016.

 

Read more...