Oslob, Cebu niyanig ng magnitude 3 na lindol

Yumanig ang magnitude 3 na lindol sa Oslob, Cebu Martes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 16 kilometers Northeast ng Oslob bandang 6:32 ng gabi.

25 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang instrumental intensity 2 sa Argao City.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...