Kamara, desidido na pagtibayin ang SSL kahit tatlong araw na lamang ang session days
Hindi isusuko ng Kamara ang posibilidad na mapagtibay ang Salary Standardization Law o SSL 2015, sa natitirang tatlong araw ng sesyon ngayong linggo.
Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II, magpupulong sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Senate President Franklin Drilon at Budget Secretary Butch Abad para hanapan ng win-win solution ang deadlock ng mataas at mababang kapulungan.
Trinatrato rin ni Gonzales ang limitadong panahon ng kongreso na oportunidad para ma-pressure ang mga mambabatas na magkasundo sa iisang bersyon ng SSL 4, upang mapakinabangan na ito ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ngayong taon.
Ang deadlock sa Bicameral Conference Committee ay nag-ugat sa isyu ng indexation ng pensyon nt mga sundalo.
Sa house version naman, ipinasususpinde muna ang indexation ng pensyon ng mga sundalo dahil wala raw pondo, at kakailanganin pa ng hiwalay ng batas.
Sa senate version naman, ipinalalagay pa rin ang indexation sa SSL 4, pero nakasaad na probisyon na magsadabing “subject to availability of funds.”
Ani Gonzales, pabor ang militar sa bersyon ng kamara dahil maaaring i-lift ng kongreso ang suspensyon ng indexation, anumang oras na magkaroon ng pondo.
Pero sa ngayon, may dalawang opsyon ang kongreso, ituloy ang deadlock sa indexation sa SSL 4 o pagtibayin na ang panukala para sa kapakanan ng mga taga-pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.