Babaeng nasawi matapos maatrasan ng SUV sa Maynila, nakilala na

By Ricky Brozas February 11, 2020 - 05:09 PM

Nakilala na ang babaeng nasawi sa biglaang pag-atras ng isang puting SUV sa Raon, Quiapo Maynila bandang 1:00 ng hapon, araw ng Martes.

Base sa nakuhang ID sa gamit ng biktima, 54-anyos ang biktimang si Marides Suing Co ng Maharlika Quezon City.

Batay sa kuha ng CCTV sa isang tindahan sa lugar, kita pa ang babaeng biktima na pumasok sa loob ng tindahan pero ilang segundo lang sa loob at agad din itong lumabas.

Saktong sakto naman ang biglang pag-atras ng SUV kaya napuruhan ito dahilan para madikdik siya sa pagitan ng bakal na accordion door ng tindahan at ng nagkaaberyang SUV.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakasuot pa ng face mask nang makuha ng mga tauhan ng punerarya.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Manila Police District (MPD) Station 3, pinaandar ng driver na si Jose Pableo ang SUV at biglang umatungal nang malakas ang makina ng sasakyan at umatras nang matulin.

Galing pa sa Bagac, Bataan ang SUV at sumadya sa Raon para mamili ng gamit.

Ayon pa kay Col. Magdaluyo, nasa anim na iba pang bystander din ang nasugatan na isinugot na sa ospital.

Sinabi ni Magaludyo na 2015 ang model ng SUV at ayon sa kwento ng ilang sa sakay ng SUV, dati naman nang driver si Pableo at kampante silang marunong itong driver.

Inaalam na rin sa imbestigasyon kung isa itong panibagong insidente ng tinatawag na sudden unintended acceleration o SUA.

TAGS: Marides Suing Co, Maynila, quiapo, Sudden Unintended Acceleration, suv, Marides Suing Co, Maynila, quiapo, Sudden Unintended Acceleration, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.