Karagdagang 109 empleyado ng Pasig City Hall, na-regular na

Na-regular na sa trabaho ang karagdagang 109 empleyado ng Pasig City Hall.

Sa Facebook, sinabi ni Mayor Vico Sotto na umabot na sa kabuuang 163 ang bilang ng na-regular na empleyado sa city hall mula noong buwan ng Enero hanggang Pebrero.

Ang mga empleyado aniya ay mahigit 20 taon nang nagtatrabaho bilang ‘contractual employees.’

Ilan pa aniya sa mga ito ay nakapaglingkod sa pamumuno noon ni Mayor Emiliano Caruncho Jr. sa lungsod.

Nilinaw naman ng alkalde na ang regularization ng mga empleyado ay walang halong pulitika.

Tinignan lamang aniya kung kwalipikado at maayos ang track record ng bawat empleyado.

Dagdag pa ni Sotto, binubuwag din ang palakasan o “patronage” sa lokal na pamahalaan ng Pasig.

“Inaayos na rin natin ngayon ang Strategic Performance Management System (SPMS) ng HR at programa para sa professional development,” sinabi pa nito.

Paliwanag ni Sotto, ito ay bahagi ng patuloy na pagtataas ng antas ng serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Pasig.

Read more...