Strawberry Festival sa Benguet, kinansela dahil sa banta ng nCoV
Kinansela ang taunang Strawberry Festival sa La Trinidad, Benguet bunsod ng banta sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Sa inilabas na executive order, sinabi ni La Trinidad Mayor Romeo Salda na kakanselahin ang Strawberry Festival na idaraos sana sa buwan ng Marso.
Maliban dito, kanselado na rin ang ilang aktibidad sa pagdaraos ng 25th Founding Anniversary at 4th Bodong Festival sa Kalinga.
Paliwanag ni Kalinga Gov. Ferdinand Tubban, layong ng suspensyon na maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.