4 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Mayon
Nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon.
Sa abiso ng Phivolcs, naitala ito ng seismic monitoring network ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon.
Dahil dito, inirekomenda ng ahensya ang pagbabawal na makapasok sa loob ng six kilometer-radius Permanent Danger
Zone at precautionary seven kilometer-radius Extended Danger Zone mula sa Timog Timog-Kanluran hanggang
Silangan Hilagang-Silangang sektor mula Anoling, Camaling hanggang Sta. Misericordia, Sto. Domingo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.