Mga escalators ng MRT, gumagana na

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2016 - 01:04 PM

mrt-0823Matapos ang matagal na panahong nakapaskil ang “out of order” sign sa mga escalators ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3), nagagamit na ito na ngayon ng mga pasahero.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), gumagana na ngayon ang mga escalators sa mga istasyon ng MRT, matapos sumailalim sa rehabilitation.

Ang P22.11-million project ng DOTC para sa pagsaayos ng mga escalators ay nai-award sa Jardine Schindler Elevator Corporation noong June 2015.

Sa ilalim ng nasabing kontrata, inayos ang 12 mga escalators ng MRT.

Mayroon pang susunod na batch ng escalators na sasailalim sa repair at isisunod naman ang pagbili ng mga bagong elevators upang mapalitan na ang matagal na ring hindi gumaganang mga elevators sa mga istasyon ng MRT.

Ayon kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, makakaasa ang mga pasahero ng mas marami pang proyekto para maisaayos ang serbisyo ng tren.

Samantala, nagpapatuloy pa ang testing static testing sa 48 bagong light rail vehicles (LRVs) para sa MRT-3.

Ang nasabing mga LRV ay sasailalim din sa dynamic testing sa susunod na linggo para suriin ang acceleration at preno nito.

TAGS: mrt escalators now working, mrt escalators now working

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.