Babae patay nang maatrasan ng SUV sa Maynila

By Ricky Brozas February 11, 2020 - 03:59 PM

Patay ang isang babaeng bystander matapos maatrasan ng puting SUV sa Raon at Gonzales Street sa Quiapo, Maynila

May plakang RKM 602 ang puting SUV.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Manila Police District (MPD) Station 3,
pinaandar ng driver ang SUV at biglang umatungal nang malakas ang makina ng sasakyan at umatras nang matulin.

Nakilala ang driver ng SUV na Jose Pableo na nasa kostodiya na ng mga pulis.

Ang masaklap, dead-on-the-spot ang hindi pa nakilalang babaeng bystander sa lugar.

Ayon kay Magdaluyo, nadikdik ng SUV sa steel accordion ng isang tindahan sa Raon ang biktima.

Galing pa sa Bagac, Bataan ang SUV at sumadya sa Raon para mamili ng gamit.

Ayon kay Col Magdaluyo, nasa anim na iba pang bystander din ang nasugatan na isinugot na sa ospital

Nangyari ang aksidente lagpas 1:00 ng hapon at hinihintay na lang ang mga tauhan ng SOCO para mag-imbestiga sa
crime scene.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Magaludyo na 2015 model ang SUV pero hindi pa alam kung ano ang tunay na
nangyari sa SUV at kung bakit nauwi ito sa aksidente.

TAGS: Maynila, MPD Station 3, quiapo, Maynila, MPD Station 3, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.