Quo warranto ng OSG vs prangkisa ng ABS-CBN, welcome development
Suportado ni House Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales ang ginawang paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Gonzalez, welcome development dahil makatutulong sa deliberasyon ng Kamara ang magiging pasya ng Korte Suprema.
Higit aniyang mapagbubuti ang proseso sa pagbalangkas ng panukalang batas na magbubunsod sa isang prangkisang umaayon sa Saligang Batas.
Mayroon na lamang ang Kongreso nang hanggang Marso 11, 2020 para aprubahan ang mga ito bago ang kanilang recess at bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa kaparehong buwan.
Nakabinbin pa rin sa House Committee on Legislative Franchises ang 11 panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.