Bilang ng PUI na posibleng apektado ng 2019-nCoV ARD, pumalo na sa 382 – DOH

By Angellic Jordan February 11, 2020 - 03:38 PM

Photo grab from DOH’s website

Nadagdagan pa ang bilang ng persons under investigation (PUI) na posibleng apektado ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Sa huling tala ng DOH hanggang Martes ng tanghali, February 11, nasa kabuuang 382 ang persons under investigation (PUI).

Sa nasabing bilang, 266 rito ay naka-confine sa ospital habang 113 naman ang na-discharge na.

Pinakamaraming naitalang PUI sa National Capital Region na may 86.

Sumunod dito ang Central Visayas na may 49 PUI at Central Luzon na may 31 PUI.

Matatandaang inanunsiyo ng DOH, Lunes ng hapon, na nakalabas na ng opsital ang unang kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV sa bansa.

TAGS: 2019-nCoV ARD, 2019-novel coronavirus acute respiratory disease, coronavirus, ncov, 2019-nCoV ARD, 2019-novel coronavirus acute respiratory disease, coronavirus, ncov

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.